March 29, 2012
Batch BaLaSik. It stands for BAgong LAhing mabagSIK. Binubuo ng doseng
katao na hinubog ng mga pangarap nila na maging Cadet Officer. Pangarap? Oo,
pangarap nila yun. Hindi dahil sa may scholarship kang matatanggap mula sa AFP,
hindi dahil sa makakapagsuot ka ng BDA, Gala at GOA, at lalong hindi dahil sa gusto
mo lang magparusa ng mga kadete at katakutan nila. Ito ay dahil sa gusto lang
nila. Eh ano bang pake mo? Haha. At dahil sa kagustuhan nilang yun, pinagpalit
nila ang civilian life nila para mag-undergo ng military training. Hindi man
ito madali, kinaya nila ang lahat para lang matupad ang pangarap nilang maging
Cadet Officer.
Pero ano nga ba ang kinalaman ko sa kanila? Hmm.
Oh well papel. Isa lang naman ako sa Dose na yun. J mula sa Batchcom namin
na si Psalm, Deputy na si Matthew, ang Hulk na si Darwin, ang Tarzan na si
Arvin, ang makulit na si Angelo, ang rock-lover na si AJ, ang astig na si
Hannah, ang fashionistang si Ysabelle, ang singer naming si Ohna, ang mataray
na si Selle, ang Hard Cadet na si Hazel at ako, na last man ng batch. Hindi ko
man gustuhin na mahuli sa billing, pero yun na talaga ang tadhana eh. L dahil sa 5ft lang ang
height ko. Huhu.
By the way, highway. Bakit nga ba namin ginusto to? Nako naman, ang
hirap kaya magtraining noh?! Haha.
Nagsimula ang lahat nung June 12, 2011 (Sunday). First year students
kaming lahat sa pinakamamahal naming university, ang PLM. First training day namin
ng ROTC ng araw na yun. At ang activity namin nun, pumunta kami ng Luneta kasi
nga Independence Day! At pagbalik namin ng PLM, dun nag-announce ang mga
Officers, na kung sino man ang gustong maging COCC, umakyat lang ng Tanghalang
Bayan (parang stage sa tapat ng field namin). :D marami ang umakyat nun. 100+
din. Yung iba gusto talaga, yung iba dating CAT officers, yung iba nabighani
lang sa gwapo nila Sir Galmak at Sir Landingin, at yung iba ayaw lang mainitan
sa field kaya umakyat ng TB. Haixt. ._. pero maiba tayo, sa platoon namin,
dalawa lang kaming umakyat ni Hazel. O kung tawagin ko ay Casti. Bakit Casti?
SECRET! :D sya ang naging parang partner-in-crime ko. Pero tulad ng ibang
pagkakataon, marami ang nangyari pagtapos ng araw na yun. Marami ang nag-quit,
may ibang nagreport sa Headquarters, may mga napuntang Flower platoon, at may
mga ibang nagpatuloy sa kanilang adhikain. J
Hanggang sa dumating ang August 14, 2011. ©
Ito ang araw na mula sa 100+ na mga kadeteng nagtangkang maging Cadet
Officers, 21 samin ang nagtagal. Welcome Ceremony. High morale kami ng araw na
yun. Aba malamang. Ikaw ba naman ang ipagmalaki ng mga upperclass mo sa harap
ng libong mga kadete, hindi ka ba magiging proud nun? Hahaha. :”>
Pero hindi dahilan yun para magsaya. Kasi doon pa lang mag-uumpisa ang
lahat. Mahirap pagsabayin ang pagte-training at ang pagiging estudyante. Lalo na’t
malapit na ang Final Exams. Duty sa HQ, tas gawa ng assignment sa classroom .
Report sa HQ, tas on the spot review ng quiz sa hallway. Pasok ng maaga, comply
sa HQ, PT/ jogging sa hapon, tas late na uwi sa bahay. Yan ang buhay namin.
Mahirap? Malamang!
Kaya naman, lahat kami, naisipan din namin ang mag-quit. Hindi ka tao
kung hindi mo mararamdaman yon. Manhid! Pumasok din sa isipan namin na, bakit
nga ba kami nagpapakahirap dito, eh kung pwede naman kami magpakasaya bilang
isang normal na estudyante. Kaya nga kami pumasok ng PLM eh, para mag-aral. Hindi
para mag-major sa ROTC.
At some point, ganun talaga ang maiisip mo dahil sa hirap ng training. Lumipas
ang araw na unti unti na kaming nababawasan at hindi natapos ang bawat linggo na
walang magku-quit samin. L
Pero tulad ng ibang teleserye, koreanovela, anime series, fairy tales at
kung ano ano pa, may happy ending ang bawat kwento. J
December 11, 2011. Graduation namin. Graduate na ang Batch Balasik. At matatawag
na rin kami sa wakas na full pledge Cadet Officer! :D dose man lang kaming
naka-graduate mula sa 21, kami yung magkakapatid na hindi natinag ng kung ano
mang pahirap ng training. Hindi man maintindihan ng iba kung bakit namin
ginusto maging officer ng ROTC, masaya kami sa buhay namin. Kasi hindi lang basta
basta achievement ang nakuha namin, kung hindi isang pamilya! Isang pamilya na
kahit anong hirap ng problema mo, hindi ka iiwan. Ika nga, hitting two birds
with one stone. J
Mula sa Batch Bantog na sila Sir Celestial, Sir Galmak, Mam Carreon,
Mam Sy at Sir Lumalang at Batch Apollo na sila Mam Orbe, Mam Manday, at Mam Corpuz,
hanggang sa Batch Spartans na sila Sir Macajelos, Mam Masangkay, Mam Ramos, Sir
Landingin, at Mam Ureta, at Batch Bagwis na sila Sir Canillas at Sir Vinculado.
Sila ang mga taong kabilang sa tinuring naming Corps family. Kung hindi dahil
sa kanila, walang Balasik na magsu-survive. J
Ang dating pangarap naming maging Cadet Officer natupad na. J at di lang yon! May bonus
pa! J
ang pangarap din naming manalo sa RAATI (Regional Annual Administrative and
Tactical Inspection), natupad din! Over-all Champion na naman ang PLM “Rajah”
ROTCU! Saya lang di ba? Haha.
Marami man ang paghihirap na dinaanan namin, mas marami naman ang mga naging
achievements na na-encounter namin. Marami man ang dahilan para kami ay sumuko,
mas marami naman ang dahilan kung bakit kami dapat magpatuloy. Marami man ang
pagkakataon na nalungkot kami, mas marami naman ang mga panahong naging masaya kami
sa piling ng isa’t-isa.
Yan ang kwento ng pagiging COCC at 4CL namin. Pero di ibig sabihin nun,
tapos na. Ang Noli me Tangere nga, may El Filibusterismo. Ang World War 1 nga,
may World War 2. Syempre tulad nila, sa bawat pagtatapos, may panibago kaming
beginnings. Hahaha.
Ngayon naman, ang next stop namin is: MS 31-32 training! Ahaha. Panibagong
training para sa panibagong yugto ng kwento ng Balasik. J
Para sa onseng kapatid ko na sina Psalm John Mico F. Manalo, Matthew
Paulo B. Buena, Darwin A. Armin, Arvin P. Dizon, Mark Angelo M. Abello, John
Andrea G. Duaman, Hannah Karriza C. Kiang, Anne Marie Ysabelle A. Soriano, Ohnaelaine
M. Diolata, Roselle B. Alquino, Hazel Ann N. Castillo, congrats sa lahat ng natupad
nating mga pangarap! Haha. Good luck satin sa susuungin nating panibagong
training. Walang iwanan ah? Hanggang sa maging 1CL tayo! Hahaha. I love you
all! ©J